Horoscope, Dec. 16, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Habang nalalapit ang kapaskuhan, ang suwerteng darating ay hindi mo na maiiwasan pa. Ito’y sunod-sunod at umaapaw higit lalo sa salapi at sa aspetong pang-materyal. Sa lovelife, tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang kayumangi ang kulay ng balat. Markahan ang 3, 15, 24, 34, 40 at 43. Red at blue ang buenas. Swerte ang initial na K. at P.
Aries – (Marso 21-April 19)–Ipilit ng ipilit ang gusto upang kumita ng malaking halaga! Sa lovelife, hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang hina ng loob. Kumilos ka na ngayon, upang umunlad at patuloy na lumigaya. Markahan ang 3, 9, 18, 36, 45 at 49. Red at lilac ang buenas. Swerte ang initial na S. at D.
Taurus – (April 20-May 20)–Mag-ingat sa mga kaibigang nagbabait-baitan, mauutangan ka na naman! Isa alang-alang ang ganitong katanungan: “Bakit ko sila pauutangin kung alam mo namang hindi sila marunong magsipag bayad?” Sa lovelife, may suwerteng hatid ang kasuyong Scorpio. Markahan ng 3, 9, 27, 33, 47 at 49. Maroon at violet ang buenas. Swerte ang initial na M. at T.
Gemini – (May 21-June 21)–Ituring mong ito na ang huling araw! Kapag ganyan ang laging laman ng iyong isipan, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa lovelife, dahil ito na ang huling araw, ipadama sa kasuyo ang pinaka-masarap na romansa. Markahan ang 5, 14, 23, 34, 39 at 47. Blue at silver ang buenas. Swerte ang initial na B. at A.
Cancer – (June 22- July 22)–Panahon na upang magpundar ng sariling negosyo, isa alang-alang ang mga produktong pampasko. Sa lovelife, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Markahan ang 6, 9, 15, 24, 39 at 46. Maroon at pink ang buenas. Swerte ang initial na J. at R.
Leo – (July 23 – August 22)–Maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa susunod na taong 2020, Kaya ang dapat, sunggab agad sa lahat ng oportunidad na iaalok sa iyong kapalaran. Sa lovelife, mabilis na dahan-dahan ang susi upang makamit ang ganap na ligaya. Markahan ang 5, 10, 23, 32, 41, at 48. Lilac at gold ang buenas. Swerte ang initial na M. at P.
Virgo – (August 23 – September 22)–Kung hindi palalaguin ang salapi paano ka yayaman? Sa lovelife, kung hindi patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw tuluyan na siyang manlalamig. Markahan ang 2, 9, 18, 27, 26, at 48. Purple at blue ang buenas. Swerte ang initial na Y. at K.
Libra – (September 23-October 23)–Isang kasama ang tatangap ng malaking halaga, may balato kang matatanggap. Sa lovelife, sabihin sa kasuyong mag-Christmas party kayong dalawang sa isang tahimik at malamig na lugar. Markahan ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Orange at black ang buenas. Swerte ang initial na O. at L.
Scorpio – (October 24 – November 21)–Paghandaan ang nalalapit na kapaskuhan, pero dapat iwasang magtapon ng pera sa mga walang kabuluhang bagay. Sa lovelife, ngayon pa lang iplano nyo na ng iyong pamilya kung paano nyo ise-celebrate ang Christmas. Markahan ang 6, 15, 21, 32, 46 at 48. Pink at purple ang buenas. Swerte ang initial na T. at J.
Sagittarius – (November 22 – December 21)– Wag kainggitan ang mga kaibigang umuunlad. Kung aalisin lang ang yabang sa katawan, mas madali kang yayaman. Sa lovelife, minsan hindi masamang sundin ang suwestyong ng kasuyong kuripot. Markahan ng 2, 16, 37, 44, 47 at 49. Beige at maroon ang buenas. Swerte ang initial na I. at A.
Capricorn – (December 22 – January 19)– Manahimik ka lang sa bawat malalaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa lovelife, may mga nagnanasa sa iyong kagandahan, ngunit isang naka-berde, ang magbibigay ng kakaibang ligaya. Markahan ang 5, 16, 23, 31, 41, at 39. Bukod sa berde mapalad ang pink. Swerte ang initial na P. at A.
Aquarius – (January 20 – February 18)–Matamlay ka ngayon, kasi papalapit na ang pasko samantalang zero pa rin ang lovelife. Para magka-roon ng kasuyo buuin ang Simbang Gabi. Sa pinansyal, red ang kulay na hihigop ng positibong kapalaran may kaugnayan pera. Markahan ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Bukod sa green at buenas din ang yellow. Swerte ang initial na D. at S.
Pisces – (February 19 – March 20)– Sa taong 2020 sa halip na isip ang paganahin, makakamit ang tagumpay at ligaya kung kikilos ka lang ng kikilos imbis na kung ano-ano pa ang pinag-iisip. Sa lovelife, walang “ideal love” kaya itigil mo na ang pagpapatansya ng isang masaya at panghabang buhay na relasyon. Markahan ang 4, 19, 28, 34, 38 at 49. White at blue ang buenas. Swerte ang initial na R. at V.

Read more...