ISANG mananaya ang nanalo ng P11.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola Sabado ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa ang tumama sa winning number combination na 37-10-42-19-01-25.
Nanalo naman ng tig-P8,040 ang 69 mananaya na nakalimang numero. Tig-P270 naman ang 1,619 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 20,519 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
MOST READ
LATEST STORIES