Ai Ai: Hyper si Coco, siya ang dahilan kung bakit ako bumalik sa gym     

COCO MARTIN AT AI AI DELAS ALAS

Tuwang-tuwa si Ai Ai delas Alas sa work ethics ni Coco Martin na siyang bida, writer, director at producer ng isa sa official entry sa Metro Manila Film Festival 2019 na “3POL Trobol: Huli Ka Balbon.”

“First time ko siya makasama as an actor and as a director. Siya ang dahilan kung bakit bumalik ako sa gym para maka-cope sa energy niya kasi hyper ito, eh,” chika ni Ai Ai.

Buong paghanga niyang ikinuwento ang style ni Coco sa pagdidirek, “Kapag sinabi niya na 5 o’clock on the set, 5 nando’n kami. Ako masaya ako as artista kasi siyempre sa dami na nagawa kong pelikula, kasi kapag sinabi niyang 5 o’clock ay nandoon na kami, magme-make-up lang kami taos game na agad.

“Kasi usually, kapag 5 o’clock, etchos lang ‘yung, mga 7, 9, minsan nga hapon na nandoon kami nakatengga pa rin kami. Pero kapag sinabing  5 o’clock, 5 o’clocktalaga at magwo-work na kami. Kaya ang happy-happy  namin kasi pagkatapos noon ay uuwi na kami,” she added.

* * *

Julia walang arteng naglublob sa putikan, pati glam team idinamay     

Read more...