Epal na female star malapit nang makarma: Mahiya siya! Ang kabit ay kabit!         | Bandera

Epal na female star malapit nang makarma: Mahiya siya! Ang kabit ay kabit!        

Cristy Fermin - December 15, 2019 - 12:46 AM

      KUNG ang mga kabalwarte ng isang kilalang milyonaryong negosyante ang paniniwalaan ay bilang na bilang na nga ang oras ng isang pamosong female personality na nauugnay sa yayamaning businessman.

    Isang araw, sabi pa ng mga ito, ay magugulat na lang ang buong bayan na tapos na pala ang kanilang idinedenay pang pagmamahalan.

    Kuwento ng isang source, “Nakararating na kasi du’n sa businessman ang mga pinaggagagawang kalokahan ng female personality. Masyado siyang feeling!

    “E, kung ang trulili ngang wife nu’ng businessman, e, hindi umeeksena, siya pa ba naman ang may lakas ng loob na iparamdam sa buong mundo na siya ang makapangyarihan?

    “Mahiya naman sana siya sa balat niya, ‘no! Escabeche pa rin ang paborito niyang ulam!” inis na sabi ng aming impormante.

    Sobrang feeling talaga ng female personality, nagagalit siya kapag may mga taong dumidiretso sa yayamaning businessman, gusto niya kasing kunin ang lahat ng kredito.

    Patuloy ng aming source, “Kunwari, may gustong kumausap sa guy, naku, feeling lisensiyado ang hitad na ‘yun na siya muna dapat ang daanan ng mga may gustong makausap ang dyowa niya!

    “Nagagalit siya kapag nilalampasan siya, ang feeling niya talaga, e, siya ang reyna sa buhay nu’ng milyonaryong negosyante!

    “Pero sorry na lang sa kanya, may mga nagparating na pala sa negosyante ng mga pinaggagagawa ng babaeng ‘yun na ang feeling nga, e, siya ang original, samantalang fake lang naman siya!

    “Waiting na lang ang mga taong sinasagasaan ng babaeng ‘yun! Siguradong kapag nangyari ang pang-iiwan sa kanya nu’ng mayamang businessman, e, iinom na lang siya nang iinom ng alak sa paggising pa lang niya!

    “At ang masakit pa, e, mukhang wala na siyang babalikang azucarera de papa, dahil ang kuwento nga, e, may bago na ring karelasyon ang lalaking matagal niyang nakasama!

    “Naku, hampasin na lang niya ng bareta ng sabon ang ulo niya para magising siya sa katotohanan na ang escabeche, e, hindi puwedeng maging adobo!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

    Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, may iba pa ba naman? Siya na nga ‘yun!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending