INAMIN na ni Parañaque City Councilor Jomari Yllana ang tungkol sa bagong babae sa buhay niya na siyang kapalit ng dati niyang ka-live-in na si Joy Reyes.
Ang tinutukoy namin ay ang dating sexy star na si Priscilla Almeda. Una siyang nakilala bilang teen star sa pangalang Abby Viduya at ipinakilala sa pelikulang “Gwapings” na pinagbidahan nina Jomari, Mark Anthony Fernandez at Eric Fructouso. Dito nagkakilala at nagkainlaban sina Jomari at Abby.
Sa report na lumabas, may asawa at tatlong anak na si Abby. Pero nilinaw ng aming source na hindi siya kasal sa ama ng kanyang mga anak. Habang si Jomari naman ay matagal nang annulled kay Aiko Melendrez. Kaya sa true lang, pwedeng-pwede nang magpakasal sina Jomari at Abby dahil wala na silang problemang legal sa kanilang mga dating partners at mukhang mahal na mahal naman nila ang isa’t isa.
Ayon sa aming source, aware si Abby na madalas tawagan ni Joy ang dati niyang karelasyon. Ang siste, sinisiraan daw ni Joy si Abby sa kanyang former lover.
Dahil diyan, lumilinaw na mahal na mahal pa rin ni Joy si Jomari at ang pagra-rant niya sa social media against the actor-politician ay maaaring bunsod ng matinding selos.
Baka hoping siya na kapag nasira at nadurog niya si Jom ay bigla itong bumalik sa kanya.