Papable na male celeb walang paki sa girls; Kung kani-kanino na ‘ibinubugaw’

KUWENTO ng isang source ay sa mismong grupo rin naman kasi ng isang pamosong lalaking personalidad nanggagaling ang mga kuwentong hindi kagandahan tungkol sa kanyang gender.
Hindi raw ‘yun nanggagaling sa ibang kampo, mismong sa mundong iniikutan din ng guwapong male personality nagmumula ang mga kuwento, kaya palaging pinagpipistahan ang kanyang kasarian.

Reaksiyon ng source, “Sila-sila rin naman kasi ang nagpapakalat ng mga kuwento tungkol kay ____ (pangalan ng guwapong male personality), e, hindi naman ‘yun nanggagaling sa labas ng balwarte nila.

“Kapag magkakasama ang magkakaibigang artista, e, ginagawa nilang biro ang pagiging masyadong mapili sa girls ng kasamahan nila!

“Kesyo kapag nagkakasama-sama raw sila sa isang gathering, e, napakaraming girls na nagpaparamdam sa kanya, pero deadma lang naman ang male personality!

“Kukunin lang niya ang phone number ng girl, pero hindi niya naman ipinu-pursue. Napakarami na niyang naiipong numbers ng mga kababaihang nakikipagkilala sa kanya, pero wala naman pala siyang tinatawagan!” nakataas ang kanang kilay na kuwento ng isang impormante.

Playing cupid na nga raw ang kanyang mga katrabaho at kaibigan, nagkakaisa silang ipakilala ang mga kaibigan nilang girls sa male personality, pero wala namang nangyayari.

Patuloy ng source, “Nagmimistulang ahente na nga ang mga kaibigan niya sa paghahanap ng babaeng maliligawan at makakarelasyon niya, pero ‘yung lalaking ‘yun naman ang hindi gumagawa ng paraan!

“Kinukuha niya ang mga phone numbers, pero hindi niya naman kinokontak! Ano ‘yun, iniipon lang niya ang mga numbers at gagawin niyang collection?

“Masyadong mapili sa kakarelasyunin ang lolo n’yo! Kagaganda na nga at katatalino ng mga girls na ipinakikilala sa kanya, pero wala pa rin siyang pakialam, deadma lang siya!

“Kaya nagsawa na rin ang mga friends niya, tinatamad na silang magpakilala ng girls sa male personality, kasi nga, hindi niya naman pala tinatawagan man lang!

“Ano ba ‘yan? Tumatanda na siya, hindi na siya bumabata! Ano ang gusto niya, ganyan na lang siya forever? Hay, naku! Bahala na nga ang papa n’yo sa lovelife niya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this, baka naman mauupo pa kayo ngayon sa Row 4 na katabing-katabi ang mabahong basurahan?

Read more...