PDEA gumanda ang image sa publiko: Tuwang-tuwa sa tropa ni Yasmien

YASMIEN KURDI

Isa pa sa ginawaran ng Walk of Fame star ay ang lead star ng Kapuso series na Beautiful Justice, ang award-winning na ring aktres na si Yasmien Kurdi.

Kuwento ni Yas nang makachikahan namin sa presscon, ibang klase rin ang feeling nang magpa-picture na siya sa lugar kung saan nakaukit ang kanyang pangalan kaya ang promise niya, mas pagbubutihin pa niya ang kanyang trabaho sa GMA para mapatunayan niyang karapat-dapat talaga siya sa bagong parangal.

“I’m humbled and very much honored siyempre, na binigyan ako ng bituin ng GMA Network, ‘di ba? Happy ako kasi isang parangal talaga ito. Pero siyempre kami lang kasi ‘yung sinasabi ko nga na parang dahil artista kami dito, kami ‘yung faces ng GMA.

“Kami lang ‘yung nakikita. Pero siyempre itong star na ganito inaalay ko din naman sa mga taong nagpupuyat behind the camera. Yung production staff, ‘yung mga boses namin na nagpupuyat just to make our shows better and to be good lahat, maging okay lahat, ‘di ba? And siyempre, I’m very happy kasi nanggaling ito sa brightest star na si Sir Felipe Gozon,” lahad pa ni Yas.

Samantala, tuwang-tuwa rin ang aktres nang purihin ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang serye nilang Beautiful Justice dahil sa pagpapakita ng mga ginagawang hirap at sakripisyo ng mga PDEA agents para sa drug campaign ng pamahalaan.

Ayon kay Yasmien, pinasalamatan sila ni PDEA Director General Aaron Aquino “for its efforts to inform the public on what the agency is all about and their programs that address the drug problem in our society.” Nakausap daw niya si Aquino nang maging judge siya sa on-the-spot Belen making contest na ginanap sa mismong PDEA office.

“Masaya siya kasi maganda ‘yung image ng PDEA. At the same time, nare-recognize nga ‘yung mga sacrifices ng mga PDEA agents. They are sacrificing a lot of things, pati ‘yung security nila, ng family. Tsaka nalalaman ng mga tao kung ano nga ba talaga ang PDEA. Sila talaga ‘yung nagki-keep na maging safe ang society,” pahayag ng Kapuso actress.

“Masaya ako dahil sa ganu’n kaliit na bagay for me, napasaya ko ‘yung mga tao sa PDEA. It’s an honor po na pinili nila akong judge doon, dahil po ang mga taong ito, they sacrifice a lot of things for the society,” aniya pa.

Read more...