Cristine rumesbak matapos akusahan ng ‘animal cruelty’

NA-BASH nang husto si Cristine Reyes at inakusahan ng “animal cruelty” dahil sa ginawang “dog sledding tour” sa Finland kasama ang kanyang anak na si Amarah.

Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng video kung saan makikita ang mag-ina na nag-eenjoy habang sakay ng sled at hila-hila ng limang aso sa isang snow-covered husky safari sa Rovaniemi, Finland. “Dreaming of a white Christmas,” ang maikling caption ni Cristine sa kanilang winter vacation video.

Marami ang nagsabi na isang uri ng animal cruelty ang ginawa nina Cristine dahil sa pagpapahirap nila sa mga aso. Comment ng isang netizen, “Naawa ako sa mga dogs, sana machine nalang ang gamit nila pang hila instead of the dogs…

“It can be entertaining naman kahit machine ang gagamitin instead of these innocent dogs…my kids doesn’t like riding anything if animals are involved.. for them its animal cruelty…” aniya pa.

Sinagot ng aktres ang sentimyento ng netizen at nagsabing maayos naman ang pagpapalakad ng husky safari na pinuntahan nila ng anak, “We had the same sentiments but while waiting we had the privilege of learning how they run the business and most especially how they care for all the dogs.

“You can go and see for yourself. I just wanted to share this precious moment we had. I have two dogs and I think I’m fully aware what animal cruelty means,” lahad pa ng aktres. “Again, to each their own. Merry Christmas,” pahabol pa niya.

Bukod dito, isa pang follower ni Cristine ang nagkomento na awang-awa rin siya sa mga aso dahil mukhang ginaw na ginaw na raw ang mga ito habang hinihila ang sled nina Cristine at Amarah,
Komento ng netizen (published as is): “I cant help not to notice the dogs barking, Poor dogs, maybe the cold bother them so much.” Na sinagot naman ni Cristine na, “Totally wrong.”

May isa pang nagtanggol sa aktres at nagsabing, “The cold never bothered them anyway (let it go! Let it go!) Hahaha,” na kinuha naman sa kantang “Let It Go” na theme song sa hit animated film na “Frozen”. Sinagot naman ito ni Cristine ng “100!”

Read more...