IBINANDERA ni Atty. Felipe L. Gozon, GMA President and Chief Executive Officer, ang Kapuso personalities na binigyan ng Walk of Fame na matatagpuan sa walkway ng GMA Network Studios.
Ang mga ito ay sina Aicelle Santos, Yasmien Kurdi, Kris Bernal, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Roi Vinzon, John Feir at Iya Villania. Kasama rin sa listahan ang GMA News and Public Affairs personalities na sina Emil Sumangil, Oscar Oida, Marisol Andurahman, Lala Roque at JP Soriano.
“Nae-excite po ako dahil pangarap ko po ‘yon. Kasi nakikita ko po noon, ‘yung sa Eastwood. Mga artista na naitatak na. Ngayon, meron na ako,” pahayag ni Bianca.
Ang isa pang looking forward si Bianca for 2020 ay ang gagawin niyang HBO Original series na Halfworlds kung saan siya ang lead actress. Forty days siyang magsu-shoot sa ibang bansa para rito.
Siya ang gaganap na “The Chosen One” sa pelikula na ang kuwento ay iikot sa mga engkanto. Pero sabi ni Bianca, ibang-iba raw ang fantasy factor ng Halfworlds sa ibang engkanto movies na napapanood namin.
“We’ve been preparing for workshops, script reading, characterization pero binubuo pa namin amg mga artista. Shooting will start next month, Januuary to April,” saad ni Bianca.
Tanging siya lang pala ang Kapuso star na nag-audition for the role at huli pa siyang sumalang kaya talagang may shocking factor nang malaman niyang siya ang napili ng production.
“Puro Kapamilya ang nag-audition. Ako lang ang Kapuso,” pahayag ng dalaga.
Ano naman ang sinabi ng rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid nang makuha niya ang napakabonggang role?
“Congratulations! Si Ruru very supportive naman siya sa akin! ‘Yun ang maipamamalaki ko sa kanya,” sagot ng Kapuso actress.
Diretsahang tanong, may relasyon ba sila ni Ruru? “Ha? Kayo talaga! Ha! Ha! Ha! Basta I’m very happy,” sabi ni Bianca.
Sundot na question, in love ba siya ngayon? “Yes!” deklara ni Bianca.
Samantala, nagpasalamat din si Bianca sa GMA dahil muli siyang pinapirma ng exclusive contract kasabay ng kanyang ika-10 taon sa industriya.
“Thank you sa lahat-lahat po ng mga tao. And of course, sa aking mga boss, sa aking network sa tiwala, sa pagmamahal. Isang karangalan pong maging Kapuso,” sey ni Bianca.
“Gusto ko rin pong iparating sa mga boss namin sa GMA sobrang salamat po sa patuloy na tiwala at pagmamahal, thank you po sa lahat lahat,” aniya pa.