‘Powers’ ni female celeb ramdam pa rin kahit walang project

HINDI basta-basta mga miron lang sa showbiz ang magkakaumpukan isang gabi. May posisyon silang hawak sa kani-kanilang linya. May karapatan silang humusga.

Alam nila ang likaw ng bituka ng mga artista, alam nila ang galaw ng mga ito, walang maitatago sa kanila. Ang napagdiskitahang pagpistahan ng grupo nang gabing ‘yun ay ang female personality na walang kuwestiyong may maayos na puwesto pa rin sa popularidad.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Mahirap hulaan ang mga galaw niya, malikot kasi ang takbo ng utak niya, walang nakakaalam kung ano ang gusto niyang mangyari.

“Matalino siya, alam niyang dalhin ang sarili niya. Alam din niya kung paano makukuha ang attention ng publiko, du’n siya magaling!

“Alam na alam niya ang mga giyerang pinapasok niya. Kapag alam niyang magiging alanganin siya tungkol sa isang issue, marunong siyang gumawa ng paraan para lumusot du’n.

“‘Yun ang hindi kayang gawin ng iba. Ang female personality na ito, e, marunong makipaglaro sa sitwasyon. Magaling talaga siya!” unang sultada ng impormante.

Isang kasamahan naman nito ang nag-opinyon na hindi na kailangan pa ng mag-aalagang PRO sa babaeng personalidad dahil siya mismo ay literal nang PRO ng kanyang sarili.

Ang sabi ng ikalawang source, “Ay, mas magaling pa siya kesa sa mga professional na PRO. Magaling siyang mag-isip, alam niya kung ano ang puputok na isyu tungkol sa kanya. Alam din niya kung hindi naman siya makikinabang tungkol sa isang isyu. Hindi niya papasukan ‘yun dahil siya lang ang maba-bash.

“Kita n’yo naman, kahit matagal na siyang walang sariling project on TV, e, palagi pa rin siyang in the news. Magaling nga kasi siyang magplano para sa sarili niya.

“Magaling siyang pumaraan, hindi siya natutulog sa pansitan, alam niya kung ano ang papuputukin niyang isyu na kakagatin ng publiko.

“Mahusay kasi siyang magsalita, magaling siyang magtawid ng mga bagay-bagay, at ang pinakamahalaga, e, malakas ang convincing power niya.

“‘Yun ang meron siya na wala ang ibang artista, mahusay siyang mangumbinse, kahit pa hindi na kagandahan ang kinapapalooban niyang controversy.

“Kaya talagang hindi na niya kailangan ng PRO, batambata pa naman kasi siya, e, nakababad na siya sa public eye,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang kailangang clue, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Read more...