Super proud ang ina ni Melai Cantiveros na si Virgie Cantiveros sa ipinost nito sa kanyang Facebook page kamakailan.
Say ni Momshie Virgie, “Post like this makes me love you so much more, my dearest Melai. Alam kong ayaw mo talagang nilalalabas ‘tong mga ganito. Pero super proud talaga ako sa ‘yo, Isay (pet name niya for Melai).”
Ang tinutukoy ni Momshie Virgie na post ay nagmula sa isang taga-Antique na si Flord Nickson Calawag.
Ito ang laman post ni Flord, “I have met and brought some celebritiea in Antique but Momshie Melai is one of those that I admire because of her good heart, sense of humor and being a true Filipina. Matapos niyang ma-experience ang lambaklad fishing sa Malabon, Tibiao, NAMIGAY SIYA NG TIG-P500 sa 18 MANGINGISDA.”
Nagpunta si Melai sa Antique para sa Magandang Buhay bilang bahagi ng birthday celebration ng co-host nilang si Karla Estrada.
Si Flord, kung hindi kami nagkakamali ay isa sa staff ng Department of Tourism sa Antique.
Ayon pa sa post niya, “Ipinakita niya ang kanyang kagandahang loob matapos maranasan kung gaano kahirap ang buhay ng mga mangingisda noong Nobyembre 15, 2019. Kasama ang mga co-hosts na sina DJ Jhai Ho and KaladKaren, pumunta sila sa laot habang umuulan at maalon. Matapos ang isang oras, limang talakitok at isang botete lang ang kanilang nahuli.”
This is not the first time na nakabalita tayo tungkol sa kabutihan ng puso ni Melai. Hindi nga ba’t mismong si Francine Diaz ng Kadenang Ginto ay tinulungan din niya noon.
Si Melai ang nagbigay kay Francine ng pambayad para sa renta ng bahay nila na ilang buwan nang ‘di nabababyaran to the point na pinalalayas na ang pamilya niya.
Actually, kahit naman ang kapwa hosts ni Melai sa Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Karla Estrada ay sadyang matulungin din sa kapwa. No wonder pinagpapala nang husto ang tatlong hosts.