P500K shabu nasabat sa QC

SWAK sa selda ang lima katao na nahulihan umano ng halos P500,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Milbert Alonzo, 27, miyembro umano ng APOL Taliño Drug Group, Annie Nabares, 49, Ruby Rosa Manzano, 26, Mark Anthony, 23, at Maria Elena Manzano, 23.

Pinaghahanap naman ang kasama na si Romeo Cabarles.

Itinuro umano ng dalawang naarestong drug suspek ang pinanggagalingan ng kanilang ibinebentang shabu kaya nagsagawa ng buy bust operation ang pulisya sa G. Araneta st., Sitio Mendez Brgy Baesa, alas-9:30 ng gabi. Hinuli ang mga suspek matapos makabili ng P8,000 halaga ng shabu ang isang poseur buyer.

Narekober umano sa mga suspek ang tinatayang 70 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P476,000.

Read more...