Angel humanga sa adbokasiya ng U2 frontman: Super saludo ako sa’yo my love, Bono!

TUMINDI lalo ang paghanga ni Angel Locsin kay Bono, ang front man ng international rock band na U2.

Ito’y dahil na rin sa ipinaglalabang advocacy ng international singer sa usapin ng social justice worldwide.

Nasa bansa nitong nakaraang araw ang iconic group na U2. Nag-concert sila kahapon sa Philippine Arena.

Isa sa invitations na pinuntahan ni Bono ay ang event ng Philippine National Red Cross. Dito isiniwalat niya ang planong pagtulong sa mga nangangailangan ng dugo na nasa malalayong lagar sa pamamagitan ng aerial drones.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Angel ang pagkikita nila ni Bono. Caption niya sa ipinost na video, “High salute to My love, Bono, the multi-awarded @U2 frontman who has also been a frontman for advocating social justice worldwide.

“Despite his tight schedule, he have chosen to accomodate @philredcross’ invitation and introduce us to this new technology of saving human lives through aerial drones. Looking forward to this faster, easier & hi-tech way to get blood where it’s needed, especially to remote places with poor road infrastructure and devastated by calamities.

“Thanks to you, Bono, senator @dickgordon, @philredcross & @zipline. For updates on how you can do your part to help save lives with the Phils Red Cross, please follow @PhilRedCross.”

Bukod sa kanilang pagkikita up close and personal, pinirmahan din ni Bono ang isa sa kanyang mga favorite shirt.

Read more...