‘Tulak’ patay sa buy-bust

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher nang makipagbarilan umano sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Meycauayan City, Bulacan, Miyerkules ng umaga.

Napatay si Christian Encabo alyas “Balawis,” residente ng Brgy. Malahacan at nakalista sa drug watchlist ng lokal na pulisya, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police.

Isinagawa ang operasyon sa Upper Northernhills, Brgy. Malhacan, dakong alas-2:30.

Matapos ang “transaksyon” ay nakutuban umano ni Encabo ang pagdating ng mga dadakip sa kanya kaya nagpaputok, dahilan para gumanti ang mga operatiba, ayon sa ulat.

Nakuhaan ang suspek ng 10 sachet ng hinihnalang shabu at kalibre-.38 revolver na may tatlong bala’t isang basyo. Narekober din sa kanya ang buy-bust money, ayon sa pulisya.

Read more...