Amit, Centeno kampeon sa SEAG women’s 9-balls doubles

Nagpatuloy ang pananalasa nina Rubilen Amit at Chezka Centeno hanggang sa huling araw ng billiards competition sa 30th Southeast Asian Games.

Dinaig nina Amit at Centeno ang tandem nina Fathrah Masum at Hony Andilah, 7-0, Martes ng gabi para maangkin ang ginto sa women’s 9-ball doubles sa Manila Hotel Tent.

Ito ang ikalawang ginto para kina Amit at Centeno na nagharap din sa singles finals ng 9-ball at 10-ball.

Tinalo ni Amit ang kakampi sa 9-ball finals habang nagwagi namam si Centeno sa 10-ball event.

Samantala, ang ikatlong ginto ng PH billiards team ay nanggaling kay Dennis Orcollo na naghari sa men’s 10-ball singles.

Ang koponan ay nagbulsa rin ng apat na silver medal at apat na bronze medal.

Read more...