Si Meryll Soriano ang nag-apologize kay John Lloyd Cruz sa kapalpakan ng producer ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila.
Tinanggap ni John Lloyd ang cameo role sa movie provided na hindi gagamitin ang kanyang eksena sa trailer.
Hindi napagbigyan ang kanyang request, inilabas pa rin ang nag-iisang scene niya sa pelikula which made him react.
“On behalf of the whole production team. If he felt hurt in any way by what had happened, I want him to know that it was never intentional.
Everyone just got excited to share the fact that he agreed to join me in the movie,” came Meryll’s apology. Bakit hindi ang producer ang nag-sorry?
Anyway, pinalagan ng netizen ang apology ni Meryll, saying, “Always using apology as the answer to intentional mistakes!
As if apologizing will straighten out everything!” Oo nga naman. Saka, intentional naman ang ginawang pagpapakita sa isang eksena ni John Lloyd sa movie.
To us, it was never unintentional. Ano yun, basta na lang lumabas sa trailer ang kanyang nag-iisang eksena?