Vice: Pinanindigan ako ni Ion, totoong mahal niya ako

VICE GANDA AT ION PEREZ

Admittedly, Vice Ganda is so in love with Ion Perez. Sa presscon ng “The Mall, The Merrier”, Vice rattled off reasons kung bakit napabilib siya kay Ion.

“Ang hindi ko makakalimutan kay Ion ay noong nagtanong siya kung bakit hindi ko puwedeng sabihin ‘yung tungkol sa aming dalawa.

Sabi niya, ‘bakit hindi ko puwedeng sabihin? Ba’t ‘di puwedeng aminin?’ Hindi niya matanggap na bakit hindi natin puwedeng sabihin.

“Noong sinabi niya ‘yon ay naramdaman ko ang nararamdaman niyang sakit. Na-realize ko, kung hindi ako mahal ng taong ito ay hindi siya masasaktan na tinatago namin ang isa’t isa kasi kung wala rin lang ito, okay lang, itago lang natin, ang mahalaga nagkakaunawaan tayo,” he said.

In the past, palaging nakatago sa dilim ang mga relasyon ni Vice, “Kasi ganoon ang naging sistema ng mga taong minahal ko in the past.

Parang okay lang sa kanila. Sige magdyowa tayo, mahal natin ang isa’t isa kuning-kuning pero tayo lang ang nakakaalam.

“Pero siya hindi siya papayag. Doon ko na-realize na mahal ako ng taong ito kasi kaya niya akong panindigan.

Siya lang ‘yung may boses at dila na kayang ipagsigawan ‘yung pangalan ko at sabihing may damdamin siya para sa akin

. “Siya lang din ‘yung may kamay na kayang humawak sa akin kahit maraming nakatingin. Siya lang din ‘yung may kayang yumakap sa akin kahit maraming nakatingin at hindi kami nagtatago sa dilim,” Vice added. “Masaya ang puso ko, in love ako. Marami akong nagugustuhan in the past pero hindi ako nai-in love.

At maraming nagbago kasi this time ‘yung taong in love ako ay mahal din ako.

Kasi maraming pagkakataon in the past na may minahal ako pero hindi naman ako minahal.

May mga taong pinili ko pero hindi ako pinili. Ngayon masaya ako kasi ‘yung pinili ko ay pinili rin ako,” dagdag pa niya.

Kasama ni Vice Ganda si Ion sa MMFF entry niya kaya dobleng saya ang stand-up comedian and TV host.

Read more...