UMABOT daw sa take 10 ang ilang eksena ni Aga Muhlach sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Miracle In Cell No. 7” under Viva Films.
Ito’y dahil hindi nga pinanood ng award-winning actor ang Korean version nito na naging isang blockbuster hit sa Korea at iba pang Asian countries.
Bukod dito, talagang hindi raw alam ni Aga kung anong atake ang gagawin niya sa kanyang karakter bilang isang mentally-challenged na tatay na nakulong dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
Ayon sa direktor ng pelikula na si Nuel Naval, “Actually, nu’ng first three days lang (na-take 10).
Ha-hahaha! No, no, first three days kasi kinakapa pa lang niya yung role and since hindi nga niya pinanood yung movie, siyempre hindi niya alam kung paano talaga aatakehin yung role. Then after the third day, puro take one na, dire-diretso.
“I’m humbled na this guy, he trusted me as a director, so sobra akong thankful din sa kanilang lahat.
Everyday I look forward to going to the shoot, hindi mabigat yung pakiramdam mo because you know you’ll be working with the best sa industry,” chika pa ni Direk Nuel.
Hindi raw umaasa si Aga na masusungkit ang best actor trophy sa gabi ng parangal ng MMFF 2019, pero promise niya sa entertainment media na dumalo sa presscon ng “Miracle In Cell No. 7” magpapa-party siya kapag siya nga ang nagwagi.
“Ayokong asahan kasi, more than anything, mas masaya ako na maipakita yung pelikula namin na ginawa. Gusto ko talagang mapanood nilang lahat yung pelikula, more than anything,” ani Morning.
Pero bago ang grand presscon ng “Miracle In Cell No. 7” ay ipinapanood muna ng Viva ang pelikula sa mga film exhibitors mula sa iba’t ibang malls at very positive daw ang naging reaksyon ng mga ito sa pelikula. “It was really overwhelming.
Kasi hindi ako nanonood ng pelikula ko, napapanood ko lang ang pelikula ko pag premiere night na. Pagkakita nila sa akin they were started clapping and congratulating me. Sabi ko, ‘Wow, parang nakakahiya naman.’
“Ayokong masyadong mag-expect na ganu’n, masaya na ako nag-enjoy sila and they were all congratulating me and the whole cast. And siyempre, parang alam na nila, may mga haka-haka, may mga predictions silang sinabi, happy sila, eh,” lahad pa ng magaling na aktor.
Looking forward din si Aga sa gaganaping Parade of Stars ng MMFF dahil makakasama raw niya sa float ng kanilang entry ang mga anak na sina Atasha at Andres.
Dito na rin sa bansa magse-celebrate ng Pasko ang kanilang pamilya dahil for the past 12 years ay lagi silang nasa ibang bansa kapag Pasko. Showing na ang “Miracle In Cell No. 7” simula Dec. 25. Makakasama rin dito sina Bela Padilla, Xia Vigor, John Arcilla, Mon Confiado at marami pang iba.