VICE mas mataray kay GRETA sa dami ng alalay; Kailangang may sarili ring pagkain sa taping

TALAGA palang may ere na itong si Vice Ganda. Ito ang napatunayan ng isang production staff when he came to the set of Coco Martin’s soap, Juan dela Cruz.

When Vice arrived, naloka ang mga taga-production when he came with a coterie of alalays, mostly gay, macho gays. Aba, walo pala ang aleli abadilla ng baklush.

Merong tagahawak ng payong, merong tagabitbit ng gamit, merong tagamasahe. Sa isang studio sa Kalayaan sa Quezon City ang taping ni Vice at umuulan noon kaya naman meron siyang tagapayong.

Siya lamang ang nag-taping sa Juan dela Cruz na napakarami ng alalay. Dinaig pa niya si Gretchen Barretto sa dami ng kasama sa taping, ha. Ano siya, feeling superstar na talaga?

Anyway, hindi pa doon nagtatapos ang chikla about Vice. Nasabi rin sa amin na hindi pala ito kumakain ng catered food sa taping. Meron pala itong sariling pagkain. Sosyal, ‘di ba naman?

So, ang walong alalay pala ni Vice ang kumakain during break time. Ang lalakas daw nitong kumain kaya pang-10 katao ang ipinadadalang food para sa walong beki.

( Photo credit to Google )

Read more...