Horoscope, Dec. 11, 2019 | Bandera

Horoscope, Dec. 11, 2019

Madam Sophia - December 11, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magkahalong tamis at ngiti  ang bubungad sa araw na ito. Yong pag-ibig na akala mong nawala na ay muling mabubuhay. Atmagbabalik. Magalak ka at magsaya, dahil sa  muling pagsibol ng dating ugnayan, dagdag na biyaya at mga pagpapalang pang materyal ang magiging kasunod.  Markahan ang 1, 13, 28, 34, 39 at 47. Yellow at black ang buenas. Swerte sa initial na B. at D.

Aries – (Marso 21-April 19)   Sa pagpasok ng taong 2020, samantalahin ang bawat araw na  dumarating upang pagkaperahan. Sa lovelife, hindi na kailangang hintayin ang Bagong Taon upang magpakatino, ipadama na ngayon pa lang ang labis na pagmamahal sa kasuyo sunod lang ng sunod sa iyo. Markahan ang 3, 15, 24, 33, 39 at 42. Pink at green ang buenas. Swerte sa initial na R. at C.

Taurus – (April 20-May 20) Wag ng mag-isip ng mamahaling regalo sa kasuyo ngayong papalapit na ang araw ng kapaskuhan, ang masarap na romansa sa isang romantikong lugar ay sapat na. Sa pinansyal, at kadatungan talagang ganyan ang kapaskuhan magastos! Markahan ang 6, 15, 24, 33, 37 at 49. Lilac at magenta ang buenas. Swerte sa initial na B. at G.

Gemini – (May 21-June 21)   Susuwertehin ka at patuloy pang susuwertehin habang pumapasok ang taong 2020 lalo na sa pinansyal at kadatungan. Sunggabang mabilis ang lahat ng oportunidad na maaaring pagkaperahan. Sa lovelife,, sabihin na agad sa minamahal ang gusto mong regalo ngayong kapaskuhan at tiyak na ipagkakaloob niya ito. Markahan ang 5, 10, 23, 32, 41, at 48. White at gold ang buenas. Swerte sa initial na J. at V.

Cancer – (June 22- July 22) Mag-establish ng sariling career at negosyo upang lumago ang kabuhayan. Sa lovelife, sariling diskarte ang dapat upang lumigaya, wag ng makinig sa maling advice ng mga kaibigan. Markahan ang 7, 9, 16, 27, 33, 40 at 49. Green at purple ang buenas. Swerte sa initial na  A. at T.

Leo – (July 23 – August 22) Kung paanong nagsasaya ang lahat ngayong nalalapit na kapaskuhan dobleng ligaya ang iyong mararanasan sa susunod-sundo at maraming regalo na iyong matatanggap mula sa langit.  Sa pinansyal at kadatungan magtataka ka, patuloy sa paglago at pagdami ng iyong pera. Sa lovelife, ang relasyon inaakala mong sa wala na mauuwi ay muling mabubuo at lalo pang iinit ng iinit sa susunod na mga araw, hanggang kapwa kayo mapaso ng iyong minamahal. Markahan ang 1, 10, 28, 32, 41 at 47. Gold at magenta ang buenas.  Swerte sa initial na L. at J.

Virgo – (August 23 – September 22)   Gumising ng maaga at tapusin agad ang mga gawain sa ganyang paraan mas marami kang magiging oras sa mga bagay na maaaring pagkaperahan. Sa lovelife, hayaan mong ang kasuyo naman ang gumastos sa nalalapit ninyong pagde-date. Markahan ang 5, 13, 23, 32, 41, at 48. Gray at violet ang buenas. Swerte sa initial na W. at B.

Libra – (September 23-October 23)   Sa pinansyal at kadatungan, kung umangat ang kabuhan nitong 2019, umasa kang pagsapit ng 2020, lalo pang mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Sa lovelife, may suwerte pa ring dulot ang kasuyong Aquarius. Markahan ang 4, 19, 22, 32, 35 at 49. Gold at orange ang buenas. Swerte sa initial na L. at P.

Scorpio – (October 24 – November 21) Dagdag na sipag ang dapat upang madagdagan din ang iyong kinikita. Sa lovelife,, sipagan ang pagte-text ng sweet message sa minamahal upang matuloy na ang inyong Christmas date. Markahan ang 7, 16, 28, 34, 34, at 49. Blue at red ang buenas. Swerte sa initial na H. at A.

Sagittarius – (November 22 – December 21)   Sunggaban ang inaalok na pag-ibig ng isang medyo matangkad na kayumangging nilalang,  sa pakikipag-relasyon sa kanya, susuwertehin ka. Sa pinansyal habang lumalapit ang kapaskuhan, lalong uunlad at gaganda ang kabuhayan. Markahan ang 3, 9, 21, 32, 37 at 49. Pink at orange ang buenas. Swerte sa initial na M. at E.

Capricorn – (December 22 – January 19) Sa pinansyal ang pagiging tapat sa kausap ang pagsisimulan ng malaking kita at kayamaman. Sa lovelife,, wag pagtangkaang isahan at lamangan ang minamahal, sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Markahan  ang 4, 10, 19, 36, 41 at 48. Maroon at beige ang buenas. Swerte sa initial na P. at O.

Aquarius – (January 20 – February 18) Bigyan ng ultimatum ang iyong sarili, upang magkaroon ng direksyon ang iyong buhay.  Unahing tapusin agad ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa lovelife,, ipaunawa sa kasuyo na kailangan nyo ng yumaman at ito ay dapat ng simulan ngayon! Markahan ang 2, 16, 25, 31, 40, at 46. Yellow  at green ang buenas. Swerte sa initial na S. at L.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)  Malamig ang panahon at ang malamig na panahon ay nagbibigay ng suwerte sa mga Pisces, kaya ito na ang araw na kusang lalago ang kabuhayan. Sa lovelife, ay gayon din, lalo pang sasarap at tatamis ang pag-iibigan habang kumukutikutitap ang paligid dahil sa nagsabit na Christmas light. Markahan ang 7,  16, 25, 34, 43, at 48. Green at pink ang buenas. Swerte sa initial na F. at B.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending