P7.4M shabu narekober sa Marikina City

SHABU BUY BUST

DALAWA ang naaresto at P7.4 milyong halaga ng shabu ang narekober sa buybust operation ng pulisya sa Marikina City.

 Nahuli ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office-Special Operations Unit, Cubao Police Station at Marikina City Police sina Christian Romero, 18, at Jomalyn Poblete, 23, ng mga taga-Brgy. Tumana, Marikina City.

Nakabili ang isang poseur buyer ng P6,000 halaga ng shabu alas-8:45 ng gabi sa Libis st., Brgy. Concepcion 1.

Nang maaresto ay narekober sa kanila ang iba pang shabu, digital weighing scale at drug paraphernalia.

Read more...