Women’s 9-ball doubles gold tutumbukin nina Amit, Centeno

PH cue artists Chezka Centeno at Rubilen Amit. Inquirer.net

MATUMBOK ang ikalawang gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games billiards competition ang hangad nina Rubilen Amit at Chezka Centeno sa pagsabak nila sa women’s 9-ball doubles ngayong Martes gabi sa Manila Hotel Tent.

Makakaharap nina Amit at Centeno sa women’s 9-ball doubles final sina Fathrah Masum at Nony Andilah ng Indonesia ganap na alas-7 ng gabi.

Nakapasok sa finals sina Amit at Centeno matapos sibakin sa kanilang semifinal match sina Angeline Ticoalu at Silviana Lu ng Indonesia, 7-3.

Umusad naman sina Masum at Andilah sa gold medal match matapos patalsikin sina Jessica Tan Hui Ming at Suvene Ng Yi Huai ng Singapore, 7-3.

Si Centeno ang naka-gold sa women’s 10-ball singles habang si Amit ang nag-uwi ng ginto sa women’s 9-ball singles.
Read more...