PAULEEN sa 35 taon agwat ng edad nila ni VIC: Swak ako sa kanya!


True ba ang mga chikang may plano nang magpakasal sina Pauleen Luna at Vic Sotto? Maingay kasi itong pinag-uusapan sa mga social networking sites. Seems like Bossing finally wants to settle down na raw with his current girl.

Pero sa isang website na nabasa namin, in an interview daw kay Pauleen sa show ni Arnold Clavio, dinenay ng TV host na nag-propose na si Vic sa kanya, “Hindi, a! And hindi ko na kailangang magpaliwanag.

Iyon na ‘yon! Siguro kapag may suot na ako, iyon na ‘yon! Wala, e. Wala pa.” Pauleen also answered the question about her pagpatol sa mga lalaking mas may edad sa kanya, tulad ng boyfriend niya ngayong si Vic na 59 years old na while she’s only 24, 35 years ang diperensensiya ng age nila.

“Kasi ako, kahit yung mga kaibigan ko, older sa akin, e.  So, ibig sabihin, ang mas nakakasundo ko talaga is yung mas may edad sa akin—whether it’s romantic relationship or friendship. Ang mas ka-swak ko talaga, I think, is yung older.”

( Photo credit to Google )

Read more...