Meryll Soriano sa pagpapakasal ni Willie: Naku, sana wag na!

WILLIE REVILLAME AT MERYLL SORIANO

SA darating na 2019 Metro Manila Film Festival awards night ay dalawa ang mahigpit na maglalaban sa pagka-Best Picture, ang “Culion” nina Iza Calzado, Jasmine Curtis at Meryll Soriano at “Mindanao” ni Judy Ann Santos. Ang mga nabanggit din namin ang siguradong magtatagisan sa kategoryang Best Actress. Lamang nga lang si Juday kina Iza, Jasmine at Meryll dahil una na itong nanalong best actress sa katatapos lang na 41st Cairo International Film Festival para sa nasabi ring pelikula. Sa grand presscon ng “Culion” ay hiningan ng komento sina Iza at Meryll na si Juday ang mahigpit nilang makakalaban sa pagka-best actress.

Ayon kay Meryll, “I am very, very happy for Juday kasi she’s a very, very dear friend and she’s been a family at wala naman talagang kuwestiyon na napakagaling niyang artista at kasama ko rin po siya sa Starla at hanggang ngayon ay namamangha kaming mga kasama niya kung gaano siya kahusay. “At ‘yung pagiging frontrunner namin sa best actress I’ll always think that the awards night are healthy competition and I support each other at kung sinuman ang manalo, let’s celebrate, wala dapat kumpetisyon sa mga ganito,” aniya pa. Sabi naman ni Iza, “I just want to address something, eversince Culion was voted for the MMFF 2019, but first I’m very, very happy for Juday. I sent her a message, the moment I saw it sabi ko pa nga, it’s about time na makita ng buong mundo ang mga mata ni Mara (karakter sa seryeng Mara Clara). “Kasi napakatagal na niya sa industriya at idolo ko talaga siya. So, in respect with Judy Ann as the actress, the woman and the human being, I really looked up to her.” Magkakaroon ng grand premiere ang “Culion” sa Palawan sa Dis. 14 para mapanood ito ng mga tagaroon at hindi na mag-abalang pumunta pa ng Maynila. Ang iba pang kasama sa pelikula ay sina Suzette Ranillo, Mark Liwag, Simon Ibarra, Lee O’Brian, Joel Saracho, Mai Fanglayan, Nico Locco, Yam Mercado, Upeng Fernandez, Erlinda Villalobos, Mayen Estanero, Aaron Concepcion, Nikko Delos Santos, Rex Lantano, Jay Garcia, Elle Velasco, Jack Love Falcis, Tommy Roca, Ruth Alferez, Roven Alejandro, Raflesia Bravo, Luminita Gamboa, Jai Astor, Elisa Weber, DMS Boongaling, Marcus Dreeke, Jaepheth Cortez, with Earl Andrew Figueroa, Mercedes Cabral at ang Culion Kalinangan Ensemble, produced by Shandi Bacolod and Gillie Sing ng iOptions Ventures.

* * *

Speaking of Meryll Soriano, inamin niyang sinabihan na siya ng tatay niyang si Willie Revillame na siya ang magtutuloy ng mga negosyo nito pero hindi pa handa ang aktres. “Wala akong talent sa business, sa pelikula ang forte ko, ito ang gusto kong gawin,” aniya. Binibiro nga niya ang kapatid niyang si Juamee (anak ni Liz Almoro kay Willie) na lumaki na para siya ang magmana ng mga negosyo ni Willie pero bata pa ang bagets. “Eventually, ako rin naman ang gagawa pero as of now, wala pa hindi pa ako well-equipped para sa negosyo kaya dito muna ako sa pelikula, next year plano kong magdirek, ayoko ng producer, masakit sa ulo, sa pagdidirek na lang, si Shandi (Bacolod) ang producer ko. “May story na, may writers na so abangan next year, sana matuloy, it’s about postpartum depression inspired sa movie ni Brooke Shields (Down Came the Rain, 2005). Kasi naranasan ko ‘yun noon,” saad ni Meryll. At sa balitang may batang girlfriend na raw ang ama at baka mauwi na ito sa kasalan, “Naku sana ‘wag na! Huwag na siyang magpakasal kasi mahirap, puwede naman basta aalagaan siya nang husto.” Sa tanong namin kung papayuhan niya ang tatay niyang magkaroon ng prenup in case ikasal na ito, “Of course!” mabilis na sagot ng aktres. “Pero si papa, matalino ‘yun, alam niya lahat, hindi ko na siya kailangang payuhan, tinanong n’yo lang ako kaya sumagot ako na gusto ko ng prenup,” aniya pa.

Read more...