Para sa may kaarawan ngayon: Isang taong malapit sa iyong puso ang lalapit at hihingi ng tulong, tulungan mo siya, sabi nga sa Paskong darating: “It is wonderful to get the answer of prayers, but it is even more wonderful when God converts you into an answer of somebody’s prayers.” Sa ganyan paraan mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo habang nalalapit ang panahon ng kapaskuhan. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 45, at 48. Gray at violet ang buenas. Swerte ang initial na H. at Y.
Aries – (Marso 21-April 19)- Kung bubuin mo ang Simbang Gabi mas mabilis na masosulusyunan ang mga problema. Sa pamamagitan ng taimtim na panalangin, mtutupad ang iyong Christmas wish. Markahan ang 1, 7, 26, 32, 41 at 44. Green at red ang buenas. Swerte ang initial na P. at G.
Taurus – (April 20-May 20)- Sa lovelife, ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang batis na maligaya, dulot ng isang Virgo. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Markahan ang 6, 15, 24, 36, 42 at 47. Pink at silver ang buenas. Swerte ang initial na A. at Z.
Gemini – (May 21-June 21)-Pinapanood ka ng langit at nagpasya ang nasa itaas na ibigay na sa iyo ang lahat ng iyong mga kahilingan. Gawin mo na ngayon ang anumang bagay na nais mong gawin at tiyak na ito ay magbubunga ng malaking suwerte at tagumpay. Markahan ang 6, 9 19, 27, 39 at 42. Purple at magenta ang buenas. Swerte ang initial na M. at P.
Cancer – (June 22- July 22)- Hindi dapat pairalin ang emosyon at pagkatapos ay pagsisisihan mo ang iyong pasya. Sa lovelife maging tapat ka lang sa iyong sariling damdamin at makikita mo ikaw ay liligaya. Sa pinansyal, ano nga ba ang halaga ng salapi kung hindi mo naman ito iipunin. Markahan ang 3, 13, 22, 36, 41, at 48. Red at blue ang buenas. Swerte ang initial na L. at A.
Leo – (July 23 – August 22)-Labis ang mahahawakan mong salapi ngayon. Wag mong ipamudmod na lahat sa darating na kapaskuhan, sa halip magtabi ka para sa savings. Oo, habang tinatago ang pera lalo naman ito dumarami. Sa pag-ibig bigyan ng masarap halik ang kasuyo sa ilalim ng kumukutikutitap na Christmas Tree. Markahan ang 2, 9, 20, 29, 31, at 49. Yellow at violet ang buenas. Swerte ang initial na R. at M.
Virgo – (August 23 – September 22)- Sa pag-ibig, i-sacrifice ang sariling kaligayahan, alang-alang sa iyong kasuyo na mareklamo at maangas pa. Minsan ganyan talaga ang buhay, kung sino ang ayaw mong makasama siya pa ang ibinibigay sa iyo ng tadhana. Sa pinansyal tuloy ang dating ng maraming pera. Markahan ang 2, 17, 25, 34, 41 at 43. Green at orange ang buenas. Swerte ang initial na B. at I.
Libra – (September 23-October 23)- Huwag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Pagdating ng araw magiging kalat at magiging basura lang yan sa inyong bahay. Panahon na para magtipid. Sa lovelife matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami ka na pa lang savings. Markahan ang 8, 10, 28, 32, 35 at 43. Yellow at green ang buenas. Swerte ang initial na C. at N.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Tuloy ang pagiging dominante. Sa pagkakatong ito, hindi lamang mga tao ang madodominahan o mapapasunod mo. Pati ang kapalaran ay madodomihanan mo. Humiling ka ng kahit na ano, ipagkakaloob ito sa iyo ng langit. Markahan ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Black at green ang buenas. Swerte ang initial na I. at F.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Sa career may mga pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran sa pagpasok ng taong 2018, habang sa lovelife, maalaki ang tsansa na isang foreigner ang iyong makakatuluyan. Markahan ang 1, 18, 23, 38, 42 at 47. Yellow at lilac ang buenas. Swerte ang initial na E. at M.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Wag mong silang intindihin ang mahalaga dahil sa iyong mga ginagawa at aktibidades tumatabo ka ng malaking halaga. Sa lovelife, pagpasensyan ang pagiging makulit ng kasuyong Aquarius. Markahan ang 4, 19, 22, 32, 35 at 49. Gold at orange ang buenas. Swerte ang initial na D. at F.
Aquarius – (January 20 – February 18)
Wag ubusin ang pera sa layaw at pagpapasarap sa buhay. Tandaan mong ang lahat ay lilipas din. Kung wala kang mabuting nagawa sa iyong kapwa, mawawalang kabuluhan din ang iyong buhay. Sa panahong ito ng kapaskuhan, sa bawat pagtulong at pamimigay ng regalo na gagwin mo dobleng biyaya ang mapapasa iyo. Markahan ang 5, 9, 23, 32, 41 at 47. White at blue ang buenas. Swerte ang initial na R. at A.
Pisces – (February 19 – March 20)- Ituloy ang kasalukuyang hanap buhay at dagdagan pa ang pagsisipag, natatanglawan ng langit ang iyong ginagawa. Sa panahong ito ng kapaskuhan, dobleng suwerte at marami pang magagandang kapalaran ang ibubuhos sa iyo ng tadhana. Markahan ang 5, 18, 27, 35, 42 at 48. Purple at lilac ang buenas. Swerte ang initial na C. at O.