Para sa may kaarawan ngayon: Sa lovelife, habang lumalamig ang panahon yakapin at bigyan ng mainit na halik ang minamahal. Sa pinansyal at kadatungan ngayong kapaskuhan makapal na bungkos ng salapi ang hindi inaasahang matatanggap. Markahan ang 5, 8, 9, 44, 41 at 48. Red at blue ang buenas. Swerte ang initial na W. at H.
Aries – (Marso 21-April 19)– Hindi dapat magwalang bahala sa mga problemang pang-pinansyal na dumarating sa inyong pamilya, gumawa na ng aksyon ngayon bago tuluyang lumala ang sitwasyon. Sa lovelife lalo pang mahalin ang kasuyong totoo namang nagmamalasakit sa iyo. Markahan ang 3, 18, 27, 34, 41 at 44. Maroon at gold ang buenas. Swerte ang initial na M. at C.
Taurus – (April 20-May 20)–Bawasan ang pagkain ng nakasasama sa kalusugan. Muling magpa-sexy upang muling maakit ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pinansyal, habang gumaganda ang hubog ng iyong katawan, dating at dating ang materyal na bagay. Markahan ang 3, 18, 21, 33, 39 at 45. Pink at lilac ang buenas. Swerte ang initial na N. at S.
Gemini – (May 21-June 21)– Sa buwang ito ng Disyembre may darating, ang darating ay ang malaking suwerte na hindi mo inaasahan. Sa sandaling may somubra, ipamudmod sa ibang mas nangangailangan. Sa ganyang paraan, lalo pang darami ang iyong suwerte at magagandang kapalaran sa darating na taong 2020. Markahan ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Red at blue ang buenas. Swerte ang initial na F. at K.
Cancer – (June 22- July 22)– Makakamit ang tagumpay kung sariling diskarte ang aasahan. Sa lovelife, ikaw ang unang gumawa ng hakbang, upang muling uminit ang relasyon. Sa pinansyal, wag iasa sa iba ang pagyaman. Ikaw ang dapat gumawa ng paraan upang umunlad ang kabuhayan. Markahan ang 8, 16, 24, 34, 44 at 47. Green at white ang buenas. Swerte ang initial na R. at C.
Leo – (July 23 – August 22)– May lalapit sa iyo ngayon. Oo, lalapitan ka ng suwerte, at kahit layuan mo pa siya, patuloy siyang bubuntot sa iyong daraanan. Wag kang magdalawang isip, paglapit ng suwerte sunggaban moa gad. Sa lovelife, inip na ang kasuyo sa soppresang ipagkakaloob mo sa kanya. Markahan ang 2, 7, 21, 27, 32, at 44. Red at green ang buenas. Swerte ang initial na Z. at S.
Virgo – (August 23 – September 22)– Ngayong kapaskuhan patawarin ang mga taong sa iyo’y nagkasala. Sa ganyang paraan, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating. Sa pag-ibig, kalimutan na ang atraso ng kasuyo upang maging happy uli ang relasyon. Markahan ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Orange at blue ang buenas. Swerte ang initial na H.at S.
Libra – (September 23-October 23)– Sa paskong darating romansa at pag-ibig ang susi upang limigaya. Sa negosyo, haluan ng pagmamahal ang serbisyo at produkto upang mas lalong lumakas ang benta. Sa pakikipag-relasyon, habang lumalamig ang panahon na mi-miss ka na ng iyong kasuyo, makipagkita sa kanya sa dati ninyong tagpuan. Markahan ang 6, 18, 27, 33, 36 at 49. Blue at brown ang buenas. Swerte ang initial na V. at G.
Scorpio – (October 24 – November 21)– Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang kinikita. Sa lovelife, wag puro puso ang gamitin, gumamit din ng rason upang ikaw ay lumigaya. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Blue at silver ang buenas. Swerte ang initial na D. at Y.
Sagittarius – (November 22 – December 21)– Isang kasamahan ang mag-tsismis sa mga sinasabi mo. Wag gaanong magtitiwala sa mga kaibigan. Minsan sa halip na makisali sa tsismisan mas magandang makinig ka na lang. Sa lovelife basta tahimik ka lang kusang darating ang true love. Markahan ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. Pink at yellow ang buenas. Swerte ang initial na J. at L.
Capricorn – (December 22 – January 19)– Kung napansin mong dating ng dating ang salapi wala kang dapat gawin kundi ipunin ito. Tandaan mong silang mas maraming pera ang mas makapangyarihan at mas maligaya dahil nabibili nila ang kahit anong gusto nila. Sa lovelife, hinihintay ka pa rin ng dati ng minahal na isang Taurus. Markahan ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Orange at green ang buenas. Swerte ang initial na G. at I.
Aquarius – (January 20 – February 18)–Laging magpasalamat sa Diyos, dahil sa kabila ng mabibigat na pagsubok na pinagdaaan, matatag ka pa rin, sumisipa pa, buhay at maligaya. Sa Simbang Gabing darating obligahin ang sarili na buuin ang misa upang kahit na papaano sa pag-ibig at pinasyal pagpapalin ka na ni Lord. Markahan ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48. White at blue ang buenas. Swerte ang initial na R. at C.
Pisces – (February 19 – March 20)– Ituloy mo ang pagsisipag. Sa Holiday Season na ito mas marami sa iyong inaasahan ang iyong kikitaain. Ipunin mo ito ng ipunin ng yumaman ka na. Sa lovelife, sabihin sa kasuyo na wag na siyang kumontra, dahil ang ginagawa mo ay para sa kinabukasan ng inyong pamilya. Markahan ang 4, 14, 23, 36, 41, at 48. Magenta at white ang buenas. Swerte ang initial na S. at D.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.