MARAMING pinaiyak na manonood ang episode ng Eat Bulaga last Saturday dahil sa kanilang patok na patok na segment na “Bawal Judgmental”.
Naging isa sa top trending topic ang “Bawal Judgmental” ng Kapuso noontime show dahil ang mga inimbitahang “huhusgahan” ng celebrity contestant ay aminadong positive sila sa HIV.
Hindi napigilan ng contestant sa nasabing episode ang Kapuso news anchor-TV host na si Susan Enriquez ang mapaluha habang nagkukuwento ang mga HIV carrier sa naging buhay nila mula nang malaman nila ang tungkol sa kanilang sakit.
Kahit ang isa sa mga hosts ng Eat Bulaga na si Paolo Ballesteros ay iyak nang iyak habang pinakikinggan ang isa sa mga “huhusgahan” ni Susan, si Kael na talaga namang pinuri ng manonood dahil sa kanyang katapangan at pagpapakatotoo.
Ani Kael, kamakailan lang din niya nasabi sa kanyang pamilya na may HIV siya. At pumayag siya na lumabas on national TV para magsilbing inspirasyon sa lahat ng mga taong natatakot lumantad dahil sa kanilang sakit.
“Sige sasama ako sa Eat Bulaga. Kasi gusto ko ipakita sa lahat na ang isang taong may HIV ay hindi less na tao. Ang isang taong may HIV ay pwedeng mamuhay nang normal katulad nyo. Hindi kami disabled. Hindi kami dapat pandirihan.
“Yes, may pagkakamali kami pero hindi enough para ituring kaming less. At kung may isang bagay akong sasabihin sa lahat, yung yakap ni Mama yun yung nagpawala ng lahat ng pagod at sakit. At the end of the day, i-discriminate ako… I know pag-uwi ko sa bahay meron akong nanay na nagmamahal sa akin,” lumuluha pang pahayag ni Kael.
Sabi naman ng isa pang naglakas-loob na humarap sa mga Dabarkads para aminin na nagkaroon siya ng HIV ay si Basha, “Yung acceptance yung pinaka importante dun. Kung natanggap mo sa sarili mo, tulungan mo ang sarili mo kasi hindi ka naman mamamatay dahil sa HIV.”
“For everybody na lang, yun nga, yung segment Bawal Judgmental. So ang mga taong merong HIV is pwede pa ring magkaroon ng relationship and pwede pa ring magkaroon ng pamilya… at maging masaya,” lahad naman ni Mae.
Nagsalita rin sa nasabing episode ng Eat Bulaga si Dr. Stanley Carrascal mula sa Infectious Disease Prevention and Control ng Department of Health. Nilinaw niya ang ilang maling akala tungkol sa HIV.
“Once diagnosed ang isang tao with HIV, ang ating treatment will be lifetime. Pag nag-start na sila nang gamutan, a ng HIV hindi na parang taning na 10 years ka na lang mabubuhay.
“Those people living with HIV that maintain treatment, ang lifespan nila pareho lang sa mga taong walang HIV… They really have to maintain on Antiretroviral Therapy,” pahayag ng doktor.
Narito naman ang ilang comments ng na nakapanood sa World’s AIDS Day episode ng Bulaga na pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens.
“Kudos to #BawalJudgmental for making another ‘first’ with seven people bravely facing the cameras, sharing their best-kept stories and advising everyone how to avoid exposure to HIV with an accompanying doctor as a guest resource person!”
“If you’re watching Eat Bulaga. You should know na my approval sila from the contestant. Theyre there kasi they are spreading awareness about HIV specially sa mga tao like US, like U na nanonoud palang sa EB dami ng bash. Finish the segment before reacting.”
“Kudos to Eat Bulaga for breaking the stigma! through this, it has definitely enlightened the people who has little knowledge about HIV, spreading awareness to eliminate the stigma by educating the people. very informative.”
“What meaningful episode of #BawalJudgmental! Well done @EatBulaga! Utilized your show to raise awareness & educate the people about HIV. And those brave hearts who faced national televison to share their stories, kudos! Laban lang! Let us end the stigma!”