Tubig sa Angat Dam umangat

TUMAAS ang lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong araw dahil sa mga pag-uulan

Ayon sa hydrology division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, nasa 195.55 meters ang water level ng dam alas-6 ng umaga.

Bahagya itong tumaas kumpara sa naitalang 195.34 meters noong Sabado.

Nadagdagan din ang lebel ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, Binga at Pantabangan dams.

Samantala, nabawasan naman ang water level sa Ipo, San Roque, Magat at Caliraya dams.

Read more...