Alden muling binigyan ng Makabata Star sa 2019 Anak TV Seal Awards

ALDEN RICHARDS

Muli na namang kinilala ang husay sa pagganap at pagiging role model ng kabataan si Alden Richards sa katatapos lang na Anak TV Seal Awards 2019.

Isa ang Asia’s Multimedia Star sa mga kilalang celebrities na binigyan ng 2019 Makabata Star dahil sa kanyang mga naiambag sa entertainment industry as one of the country’s young achievers and role models.

Siyempre, feeling grateful and humbled ang lead star ng Kapuso series na The Gift sa bagong pagkilala na ibinigay sa kanya. Palaging sinasabi ng Pambansang Bae na dahil sa mga ganitong award na natatanggap niya ay mas lalo pa siyang ginaganahang magtrabaho para mas mapasaya pa ang kanyang mga tagasuporta.

Gabi-gabi pa ring napapanood ang Kapuso Drama Prince sa laging trending na The Gift sa GMA Telebabad after Beautiful Justice.

Samantala, ang iba pang Kapuso stars na nakatanggap ng Makabata Star 2019 ay sina Michael V, Maine Mendoza, Bianca Umali, Carmina Villrroel with twins Mavy and Cassy Legaspi, Idol Sa Kusina hosts Chynna Ortaleza at Chef Boy Logro, Drew Arellano, Atom Araullo at Kara David.

Hall of famers naman sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, para sa Makabata Awards mula sa Anak TV Seal Awards 2019 after makatanggap ng naturang award for five consecutive years.            

Read more...