outbrain

Catriona pinalakas ang loob ng ‘laglag beauties’ sa 2019 Miss U

By Ervin Santiago December 08,2019
share this

Catriona pinalakas ang loob ng ‘laglag beauties’ sa 2019 Miss U

By Ervin Santiago December 08,2019
share this

CATRIONA GRAY

Binigyan ng moral support and encouraging words ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang ilang candidates na natapilok at natumba on stage during the Miss Universe 2019 preliminary competition sa Amerika.

Sa swimsuit portion, nadulas sina Miss France at Miss Malaysia habang rumarampa sa stage suot ang kanilang mga kapa at high-heels shoes, habang ang iba pa ay muntikan nang matumba dahil sa dulas ng runway.

At dahil dito, nakiusap si Catriona na itigil muna ang preliminary rounds para linisin muna ang stage at maiwasan na ang dulas moments. Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Pinay beauty queen ng mensahe para sa mga nadapang candidates

“We witnessed earlier these amazing women come out here, glowing with confidence, and even though we had a few falls, they took themselves up. They stood back up again. And I just want to take the chance to acknowledge that,” aniya.

“I want you all to give yourselves a round of applause for being an amazing audience, for really encouraging those girls to get back up on their feet. Thank you so much,” sabi naman ni Catriona sa audience.

Pinalakpakan naman ang pagrampa ng bet ng Pilipinas na si Gazini Ganados during the swimsuit competition suot ang kanyang black two-piece and yellow cape. Magaganap bukas ang grand coronation ng Miss Universe 2019 sa US.            

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending