Knott nagtala ng ‘record-breaking’ golden run sa SEAG women’s 200m

NAGTALA si Kristina Marie Knott ng panibagong Southeast Asian Games record tungo sa pagdomina ng women’s 200-meter run finals at pagkuha ng gintong medalya sa 30th SEA Games Sabado sa New Clark City Athletics Stadium.

Itinala ng 24-anyos na si Knott ang SEAG record na 23.01 para burahin ang kanyang naunang record na 23.07 na naitala sa heat na ginanap Sabado ng umaga.

Nauwi ni Le Tun Chinh ng Vietnam ang silver sa itinalang oras na 23.45 habang ang bronze ay nakamit ni Veronica Shanti Pereira ng Singapore sa tiyempong 23.77.

 

Read more...