Centeno, Amit inilatag ang all-Pinay 9-ball finals duel

MULING inilatag nina Chezka Centeno at Rubilen Amit ang isang all-Filipino finals sa billiards competition matapos manaig sa kanilang semifinals match sa 30th Southeast Asian Games women’s 9-ball singles Sabado ng hapon sa Manila Hotel Tent.

Unang nakapasok si Centeno na dinomina si Jessica Tan Hui Ming ng Singapore,  7-1.

Agad namang sumunod si Amit sa finals na dinaig si Vutthiphan Kongkaket ng Thailand, 7-2.

Magsasagupa sina Centeno at Amit sa 9-ball singles finals ngayong Linggo.

Nakatakda ring magharap sina Centeno at Amit sa women’s 10-ball singles finals dakong alas-4 ng hapon ngayong Sabado.

Magsasagupa sa women’s 9-ball singles finals sina Centeno at Amit dakong alas-7 ng gabi ngayong Linggo.

Read more...