Ang kanyang mga tagahanga ang nakikipag-argumento ngayon sa kampo ni Daniel Padilla, hindi siya nakikisali sa kontrobersiya, palagi namang tahimik lang sa lahat ng panahon ang Pambansang Bae.
‘Yun ang isang katangian niyang pinupuri ng ating mga kababayan, hindi siya nagsasalita, pinipili niya lang ang mga isyung puwede niyang komentuhan.
Mula nu’n hanggang ngayon ay nananatili ang pagiging humble ni Alden Richards, wala siyang ipinagbabago kahit sikat na sikat na siya, walang-wala sa kanyang bokabularyo ang pagyayabang.
Sabi ni prop na matagal nang humahanga sa singer-actor, “Maganda ang ginagawa ni Alden, never siyang nagpapasimula ng kahit anong issue. Palagi lang siyang tahimik kahit pa pino-provoke na siya ng ibang tao.
“Ganu’n din dapat ang ibang artista, kailangang mag-ingat sila sa mga pinapakawalan nilang salita, huwag kasing inuuna ang kayabangan,” payo pa ng kaibigan naming propesor.
‘Yung role na ginagampanan ni Alden Richards sa seryeng The Gift, ‘yun siya sa totoong buhay, plakado ang ugali nila ni Sep na may mabuting puso at may kapayapaan ng kalooban.