Totoo kaya ang chika na ang bagong koronang ipuputong sa mananalong Miss Universe 2019 ay nagkakahalaga ng 5 million US dollars o humigit-kumulang P253 million dahil sa 1000 pirasong diamond na idinikit dito?
Tinawag itong “Unity Crown” na gawa ng Mouwad, isang Dubai based jewelry company. Ang mensaheng nais iparating ng bagong Miss U crown ay ang pagiging isa ng mga kababaihan sa kabila ng pagkakaiba sa kulay, lahi, kultura at paniniwala na siyang tunay na layunin ng pageant.
Mapapanood ang 68th edition ng Miss Universe sa Lunes, Dec. 9 live mula sa Atlanta, Georgia USA sa ABS-CBN.
MOST READ
LATEST STORIES