'Last phase' ng buhay, nag-BF nang mas bata | Bandera

‘Last phase’ ng buhay, nag-BF nang mas bata

Beth Viaje |December 06,2019
facebook
share this

‘Last phase’ ng buhay, nag-BF nang mas bata

Beth Viaje - December 06, 2019 - 12:32 AM

SHARE ko Lang po sana problem ko sa inyo para makahingi na rin ng payo. Byuda po ako, 55 years old. Yung mga anak ko ay pawang may mga pamilya na.
Mag-isa na talaga ako sa buhay pero may dumating pong lalaki sa buhay ko ngayon.
Kaso Lang po mas bata, 37 years old.
Tutol mga anak ko kasi sabi nila pagkakaperahan lang daw ako. May trabaho naman siya, isang security guard. At wala naman siyang asawa. Masaya ako pag kasama ko siya.
Pero minsan iniisip ko, anong magiging future namin ngayong nasa last phase na ako ng buhay ko. Sana po masagot ninyo ako.
– Elvira, Baguio city

Grabe ka naman Ateng Elvira! Last phase na agad eh, 55 ka pa lang! Paano ka sasaya nyan kung feeling mo last phase na ng buhay mo?
Let’s start this with being positive, ok? Fifty five ka pa lang kaya may ligaya pa ang buhay! Now, sabihin mo ‘yan sa sarili mo at paniwalaan mo.
Ok, ngayon tingnan natin ang sitwasyon mo – may boylet kang 37-years old lang, so ibig sabihin may asim ka pa, ateng! Tarayyy!!
May trabaho pa si kuya at binata. Basiclaly, nagkakaintindihan kayo at walang problema.
Ang problema, mga junakis mo – feeling nila pagkakaperahan ka lang ni boypren….hmmm….gano ka ba kayaman at pagkakaperahan ka? May pensyon ka na bang libo libo? May sustento ka ba mula sa mga anak mo na milyones kaya natatakot sila?
Impernes, ma point naman sila. Baka nga pagkaperahan ka lang ni boylet. Kaya mo bang sustentuhan ang mga pangagailangan ni boylet? Hahah! Joke lang…
On the other hand, am sure may kasiyahang naibibigay si boylet sa pagiging mahaba ng buhok mo na hindi kayang ibigay ng mga anak mo. Kaso lang, ikaw mismo ang takot kung ano ang magiging future ninyo.
So yung future mo, ateng Elvira ay nakasalalay sa desisyon na iyong gagawin ngayon. Gusto mo bang sumugal sa mga anak mo kasama ang pera mo na safe sa inyong pangangalaga? Pwede naman kayong mag-usap siguro na bigyan ka ng pagkakataong maging masaya. Wala naman sigurong kalakihang pera ang mawawala sa iyo pag magkasama kayo ni boylet.
O gusto mong sumugal sa lalaking pinagdududahan mo dahill lang sa bata siya. Bakit di mo sya bigyan ng kondisyong sya ang magsusutento sa iyo since me trabaho sya. Pag nag atubili sya, e di alam na this.
Balik tayo sa tanong mo – ano nga bang future mo? Walang makakapagsabi di ba? Kaya habang mayroon kang ngayon, sana piliin mong maging masaya. In short, nasa iyo pa rin ang pagpapasya, saan ka magiging mas masaya ay mabuting tao?
Tagline

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending