Empleyado ayaw pa-deduct para sa PhilHealth

Dear Aksyon Line,
Marami na kasi akong nabasa na natulungan ng Aksyon Line at nagbabakasakali rin po ako na matulungan ninyo ako.
Isa po akong may-ari ng isang maliit na kompanya sa Mandaluyong. Nais ko pong idulog sa inyo ang sitwasyon.
Ayaw kasing magpa-deduct ng isang empleyado ko dahil hinuhulugan na raw siya ng munisipyo nila ng PhilHealth. Ibig sabihin nito ay kasama siya sa indigent families na subsidized ng government ang PhilHealth.
Maaari bang hindi na siya hulugan ng company namin gayong mandatory sa company na hulugan ang bawat empleyado? O dapat ko pa rin ba siyang hulugan dahil obligasyon naman ng kompanya namin iyon?
Iyon lamang po at maraming salamat po ulit. Mabuhay po kayo.

Gumagalang,
Annalyn Mae Tenorio
Pasong Tamo,Makati City
Mandatory pa rin na hulugan siya kasi employed na siya at nakasaad nga po iyon sa batas under RA 11223 o UHC Law.
Pero bilang indigent beneficiary ng LGU in terms of benefits entitled pa rin sya sa No Balance Billing Policy.
Mas maganda na bumisita po kayo sa LHIO Mandaluyong sa 500 Shaw Bldg. on Shaw Blvd., Mandaluyong City o tumawag po kayo sa Action Center ng PhilHealth sa 8-4417442
Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth
fms
1549439075296
***
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

***
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq

Read more...