Horoscope, Dec 6, 2019 | Bandera

Horoscope, Dec 6, 2019

Madam Sophia |December 06,2019
facebook
share this

Horoscope, Dec 6, 2019

Madam Sophia - December 06, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Pula ang mapalad na kulay. Ito ang lagi mong suutin lalo na ngayong kaarawan mo. Sa ganyang paraan maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating. Markahan ang 4, 13, 17, 38, 40 at 44. Bukod sa red buenas ang violet. Swerte ang initial na   

Aries – (Marso 21-April 19)

      Tama ang desisyong dispatsahin na ang mga taong walang pakinabang. Sa lovelife, darating na ang isang Sagittarius na matalino at sikat.  Sa pinansyal, laging makiumpok sa mga taong masisipag at maperpera upang mahawahan ka nila ng kanilang suwerte at ng kanilang magandang kapalaran. Markahan ang 7, 22, 27, 36, 41 at 49. Red at yellow ang buenas. Swerte ang initial na L. at K.

Taurus – (April 20-May 20)

        Wag mahirati sa dati ng ginagawa, bagong istilo ng romansa ang dapat. Sa pinansyal, kailangang makaisip ng inobasyon, upang mapagkaperahan mo ang modernong teknolohiya. Markahan ang 1, 19, 25, 34, 38 at 49. Silver at blue ang buenas. Swerte ang initial na  G. at B.

Gemini – (May 21-June 21)

       Mercury ang ruling planet mo. Ang Mercury ay sinisimbolo ng “isang nilalang na tumatakbo, na wala anomang saplot sa katawan na may pakpak sa paa!” Sa pagdidisplay ng painting o pigurang ito, uunlad ang kabuhayan at habang buhay kang magiging maligaya. Markahan ang 5, 9, 23, 32, 41, at 48. Blue at purple ang buenas. Swerte ang initial na  S. at G.

Cancer – (June 22- July 22)

        Sa pinansiyal, ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Sa relasyon, ibulalas ang lovelife, sa minamahal, mamayang gabi, yayain siyang kunwaring matutulog kayo ng maaga pero iba pala ang inyong gagawin. Markahan ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Maroon at purple ang buenas. Swerte ang initial na  P. at D.

Leo – (July 23 – August 22)

        Hindi pupuwedeng hindi ka sumikat, dahil yan ang ipinagkaloob sa iyong kapalaran. Ikaw din ang nakatakdang magiging pinakamataas. Kapag nasa itaas ka na, panatiliin ang ugaling mabait at mapagpakumbaba, upang lalo ka pang pagpapalin ng langit, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang patuloy na ipagkakaloob sa iyo.  Markahan ang 1, 9, 28, 34, 45, at 49. Orange at black ang buenas. Swerte ang initial na B. at F.

Virgo – (August 23 – September 22)

          Sa sariling diskarte, makakaya mong magpayaman, basta’t lagi ka lang mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa lovelife ay ganon din, habang dumadami ang pera lalo namang magiging masaya ang relasyon. Markahan ang 5, 14, 16, 23, 34, at 48. Silver at white ang buenas. Swerte ang initial na C. at L.

Libra – (September 23-October 23)

          May immoral na relasyong nagbabanta. Tandaang hindi totoong masaya at masarap ang maraming kapareha – sa umpisa lang yan maligaya, sa bandang huli problema rin ang dulot ng illicit love affair. Panatiliin ang pagiging tapat sa kasuyong uto-uto. Markahan ang 7, 23, 32, 43, 45 at 49. Purple at green ang buenas. Swerte ang initial na D. at I.

Scorpio – (October 24 – November 21)

         Kung hindi ka lalapit sa isang kadugo o kapamilya, papaano mo malulutas ang problema? Sa lovelife, ibahagi sa iyong kasuyo ang nararamdamang takot at pagaalala. Markahan ang 2, 11, 26, 28, 34 at 42. Blue at pink ang buenas. Swerte ang initial na M. at P.

Sagittarius – (November 22 – December 21)

         Iwasan ang labis na pagtulong sa kaibigan. Sa bandang huli kung sino pa ang pinapautang at tinutulungan mo  sila pa ang magsasabi sa iyo na masama kang tao. Sa lovelife, maganda ka lang at mabait kapag nabibigyan mo ng materyal na bagay ang minamahal. Markahan ang 9, 18, 27, 34, 38 at 42. Blue at red ang buenas. Swerte ang initial na K. at S.

Capricorn – (December 22 – January 19)

           Upang mas mabilis na yumaman, laging isa isip ang kasabihang: “Pera-pera lang walang personalan!” Sa pag-ibig, paglaanan ang future, imungkahi sa kasuyo na mag-share-saving kayo at sa iyo ito ipatago. Markahan ang 4, 12, 21, 36, 40 at 48. Red at lilac ang buenas. Swerte ang initial na H. at T.

Aquarius – (January 20 – February 18)

         Ngayon pa lang pag handaan na ang Pasko at ang Bagong Taong darating. Ilista na ang mga inaanak at ang mga pangalan ng mga taong nais bigyan ng regalo. Iplano na rin kung saan kayo magde-date ng kasuyo sa araw ng pasko at kung paano bubuuin ang Simbang Gabi. Markahan ng 3, 6, 16, 24, 34, at 45. Red at Purple ang buenas. Swerte ang initial na D. at B.

Pisces – (February 19 – March 20)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 Markahan mo ang araw na ito, dahil ang araw na ito ang magiging simula upang makaahon ka sa mga problema. Sa pinansyal, dagdag at biglaang malalaking halaga ng salapi ang iyong matatanggap. Sa lovelife, kung hindi ka na masaya sa ngayon, wag kang mawalan ng pag-asa, napapanood ng nasa itaas ang iyong dilema, kikilos ang langit pagkakalooban ka ng isang nilalang na aaliw at magpapaligaya sa iyo. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Gray at silver ang buenas. Swerte ang initial na Swerte ang initial na  M. at W.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending