Bahay nasunog: paslit patay, pinsan sugatan

NASAWI ang 4-anyos na batang babae at sugatan ang kanyang pinsan nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay, sa Tayabas City, Quezon, Miyerkules ng gabi.

Natagpuan na lang sa retrieval operation ang mga labi ni Jusly Jane Jaspe, habang ang pinsan niyang si Jerome Salazar, 13, ay nagtamo ng paso sa kanang binti, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-11, sa bahay ni Jay-Ar Jaspe, ama ni Jusly Jane, sa Brgy. Ibabang Palale.

Dinala na sa ospital si Salazar para malunasan.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang halaga ng pinsalang dinulot at ang sanhi ng apoy.

Read more...