Ayaw maglinis ng banyo, paglalaro ng chess ginalingan, Singaporean naka-ginto!

ANG parusang paglilinis ng banyo ang naging motibasyon ng Singapore bet na si Gong Qianyun para maging bihasa sa chess.

Tinalo lang naman nya ang siyam na kalahok sa women’s rapid chess category sa 30th SEA Games sa Subic. Siya din ang kauna-unahang atleta ng Singapore na nag-uwi ng ginto sa sport na ito.

Natuto si Gong Qianyun ng chess simula noong pitong taong gulang pa lang siya sa isang chess academy sa Guangdong, China.

Pinapamemorya sa kanila ang mga galaw ng mga kampeon at ang hindi makakasabay ay siyang maglilinis ng banyo.

Ayon sa kanya, dahil gusto nya ang pag-iisip at paghahanap ng mga solusyon sa mahirap na sitwasyon kaya siya naging pursigido sa sport na ito.

Isang karangalan naman sa kanya ang pag-uwi ng ginto na naging mas espesyal dahil ito ang ika-900 ginto na napanalunan ng Singapore sa kasaysayan ng SEA Games.

Read more...