SEA Games: Gilas Pilipinas pinataob ang Singapore, 110-58

SINIMULAN ng Pilipinas ang kampanya para sa ika-13 diretsong men’s basketball gold medal sa Southeast Asian Games sa pagdurog sa Singapore, 110-58, sa kanilang opening game Miyekules ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Pinangunahan ni Troy Rosario ang opensa ng Pilipinas sa kinamadang 15 puntos.

Nag-ambag sina Vic Manuel at Stanley Pringle ng tig-14 puntos habang sina Matthew Wright at June Mar Fajardo ay nagdagdag ng 13 at 12 puntos.

Susunod na kalaban ng Pilipinas ang Vietnam sa Biyernes.

 

 

Read more...