Pagsasama nina Alden at Baste sa The Gift trending: Kaka-good vibes!

SA pagpapatuloy ng mas umiinit at tumitindi pang kuwento ng Kapuso primetime series na The Gift, asahan ang mas marami pang pasabog sa pag-apir ng ilan pang kilalang celebrities sa programa ni Alden Richards.

Sa episode kagabi, ipinakilala na ang bibong bagong makakasama ni Sep (Alden), ang cute na cute Baste. Isang linggong mapapanood ang Kapuso child star na siguradong magpapasabog ng good vibes sa mga loyalistang tumututok sa The Gift.

Sa Instagram post ni Jo Berry, na gumaganap na Straw at tumatayong nanay ni Alden sa serye, gagampanan ni Baste ang bagong kaibigan ni Sep. “Kilalanin ang bagong kaibigan ni Sep! Mamaya sa #TheGiftNewFriend,” caption ni Jo sa litrato nila ni Baste sa IG.

In fairness, hindi pa man ipinalalabas ang episode kagabi, trending agad ang hashtag na #TheGiftNewFriend sa Twitter with matching picture pa nina Alden at Baste. Maraming fans talaga ang nag-abang sa muling pagsasama ng dalawa sa The Gift. Comment nga ni @AldenTrendsOFC, “Amidst the chaos, we see a bright ray of sunshine. What role will he play in Sep’s life? A sidekick, a friend, a lost kid who needs help? But we’re quite sure, Sep just gained an angel.”

Sabi naman ni @AldenExclusive2, “To see @aldenrichards02 with Baste in The Gift will for sure bring positivity and smile among us.
Who is excited?”

Patuloy na subaybayan ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad after Beautiful Justice.
* * *

Read more...