Daniel wala pang balak mag-propose kay Kathryn: Pag bilyonaryo na ako bukas na bukas!

MASYADO pang maaga para kay Daniel Padilla para mag-propose sa kanyang reel-and-real life girlfriend na si Kathryn Bernardo.

“Dyusko! Kung ngayon, e, bilyonaryo na ako’t ano, bukas na bukas magpapakasal na tayo,” sagot sa amin ni DJ nang tanungin namin kung naiisip na ba niyang yayain si Kath na magpakasal.

“Marami pang kailangang trabahuin. Marami pang kailangang itaguyod. Kaya doon muna tayo,” say ni Daniel.

This year, walang masyadong project ang aktor kumpara sa mga ginawa ni Kathryn. So, we asked him kung kailan ang next project niya, “Soon, very soon,” paniniyak ng aktor. “Magsu-shoot na kami sa January.”

Inamin din niyang nami-miss na niya ang magtrabaho, “Yes, siyempre na-miss natin ang magtrabaho. Pero masaya rin akong nakapag-relax ako at nabigyan ko ng oras ang sarili ko, ang pamilya ko, mga kaibigan ko. At na-enjoy ko ang buhay ko kaya very fresh ako ngayon. Gusto kong magtrabaho naman.”

Pero bago raw niya gawin ang teleserye at pelikula sa 2020, gagawin muna niya ang pelikula with Charo Santos na ididirek ni Carlo Manatag.

Anyway, nag-viral ang pagpunta niya sa isang bar sa Rome kasama si James Reid. Marami ang natuwa sa “harutan” nila especially nu’ng pinasasayaw siya ng iba pa nilang kasama that night.

May nag-comment naman na netizen ng “bromance” sa nag-viral na picture nina Daniel at James sa social media. “Bromance? Bromance agad,” ngiting reaksyon ni DJ.

Kyut kaya nina Daniel at James sa mga lumabas na picture and video nila. Wish ng iba sana hanggang sa Oinas ay mag-bonding din ng ganu’n ang dalawang Kapamilya stars.

“Pwede naman, kaya lang may kanya-kanya kaming schedule, e. May work kami pareho. Unlike ‘pag nag-a-out-of-the-country, siyempre, kayo-kayo lang ang nandu’n, magkakasama. Kaya nagkakaroon ng chance na, gaya nu’n,” esplika ni Daniel.

* * *

Read more...