MUKHANG matatagalan pa ang paghihintay ng JaDine fans sa muling pagtatambal nina James Reid at Nadine Lustre.
Mismong si James na ang nagsabi na wala pang definite plans para sa susunod na project nila ni Nadine.
Kamakailan, sa isang interview ay natanong ang hunk actor kung kailan sila uli gagawa ng teleserye o pelikula dahil matagal-tagal na rin silang walang teleserye at pelikula together. Huli silang nagkatrabaho sa pelikulang “Never Not Love You” noong 2018.
“Currently yes, I admit it’s challenging. But, we’re trying to work things out,” sagot ni James sa panayam ng ilang members ng entertainment media.
Inamin din ni James na medyo challenging ngayon ang sitwasyon nila ngayon ni Nadine dahil magkaiba na sila ng talent management. Nasa Viva pa rin ang aktres ngayon habang ang tatay na ni James ang humahawak sa kanyang career matapos iwan ang Viva Artist Agency.
“Since I left VIVA, It’s been…we’re just waiting for things to settle down, so that we can work out how we can work together in the future,” esplika ni James.
“Currently, yes. I admit it’s challenging. But we’re trying to work things out,” dagdag niya.
Pero siniguro naman niya sa kanilang mga fans na, “But for sure, me and Nadine are good. We’re definitely going to work together in the future. There’s no reason for us not to work together.”
Matapos ang pitong taon, kumalas na nga si James sa Viva. Mas pinili niya ang kanyang tatay na mag-manage sa kanyang career. Kasabay nito, itinayo na rin ng aktor ang sarili niyang management, ang Reid Entertainment at ang record label niyang Careless Music Manila.