ISANG mananaya sa Davao del Norte ang nanalo ng P71.7 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Tagum. Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 26-23-12-01-34-17.
Nanalo naman ng tig-P20,740 ang 46 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P420 naman ang 1,812 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 26,726 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga premyo na mahigit P10,000 ay papatawan ng 20 porsyentong buwis.
Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
MOST READ
LATEST STORIES