Nahuhumaling sa lalaking may sabit na | Bandera

Nahuhumaling sa lalaking may sabit na

Beth Viaje |December 04,2019
facebook
share this

Nahuhumaling sa lalaking may sabit na

Beth Viaje - December 04, 2019 - 01:04 AM
HELLO Ateng Beth,
I am 18 years old at taga Sta.Rosa, Laguna.
Ateng Beth, hihingi po sana ako ng payo sa inyo.
May boyfriend po ako at ngayon po ay nagli-live-in na po kami. Simula po ng June ay magkasama na po kami.
Thirty two years old na po pala yung boyfriend ko. May asawa na po siya at kasal pa rin po siya sa una niyang asawa.
Ano pong gagawin ko Ateng Beth, mahal na mahal ko po sya. Tama po bang makipag-live-in ako sa kanya?
Jess

Jess,
Kapag ba sinabi kong mali na makipag live in ka, makikipaghiwalay ka ba? Kapag ba sinabi ko na kasal pa rin siya sa kanyang misis at isa ka lang kabit, makikipaghiwalay ka na ba?
E, paano kung sabihin ko rin sa iyo na ang bata-bata mo pa para seryosohin ang ganyang relasyon, kakalas ka na ba sa kanya?
Makukumbinsi ba kita pag sinabi ko sa iyo na wala kang future diyan sa lalaking iyan at makakahanap ka pa ng lalaking nararapat sa iyo?
In short, ang payo ko sa iyo ay hiwalayan mo na ‘yan. Walang magandang maidudulot ang relasyong iyan sa iyo.
Isipin mo na lang, paano kung bigla ka na lang iwan niyan at balikan ang kanyang misis, ano na ang magiging buhay mo?
Kapag ba nabuntis ka kaya mong buhayin mag-isa ang anak mo at ang sarili mo?
At kapag ba sinabi kong hindi makakabili ng bigas ang “mahal na mahal ko po sya,” may pera kang ipapambili ng bigas?
Pasensiya na ang ibinabalik ko lang ang tanong sa iyo. Gusto ko kasi na ikaw mismo ang maka-realize nang dapat na gawin mo.
Ano nga pala ang sabi ng mga magulang mo tungkol sa pakikipag-live in mo? Either hindi nila iyan alam o hindi mo sila sinunod, tama ba?
Isipin mo na lang iha, napakabata mo pa at marami pang magagandang pwedeng mangyari sa buhay mo.
Alam mo na ang tama, Jess. Alam mo rin ang mali. Huwag kang maghanap ng tao na kukunsinti sa iyo, at for sure hindi ako iyon.

***
May problema ka ba sa puso o relasyon, mag-text sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending