Matanglawin wagi sa 3rd Southeast Asia Video Festival for Children

Nagdala ng karangalan sa bansa ang premyadong educational program na Matanglawin ng ABS-CBN matapos magwagi sa ikatlong Southeast Asia Video Festival for Children (SEAVFC) na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia.

Bilang kinatawan ng Pilipinas, dinaig ng Matanglawin ang mga entry mula sa Singapore (Little Achievers) at Thailand (A Melody) sa Professional Non-Fiction 8-12 years old category ng SEAVFC, na binuo ng mga bansa sa Southeast Asia upang palaganapin at kilalanin ang mga de kalidad na programa para sa mga kabataan sa telebisyon.

Nanalo ang episode na “United in Love” ng programa, kung saan ipinakilala ni Kuya Kim Atienza ang ilang mga batang nagpapakita ng kahanga-hangang pagmamahal sa mga hayop, kalikasan, at kapwa bata.

Bukod sa panalo ng Matanglawin, umani rin ang Pilipinas ng apat pang parangal sa 2019 SEAVFC. Napapanood ang Matanglawin tuwing Linggo, 9:45 a.m. sa ABS-CBN.

Read more...