Rocco-Miles, Yeng-Joem nagpakilig, nagpaiyak sa ‘Write About Love’

By Jun Nardo December 04,2019
share this

Rocco-Miles, Yeng-Joem nagpakilig, nagpaiyak sa ‘Write About Love’

By Jun Nardo December 04,2019
share this

ANG galing-galing nina Rocco Nacino at Miles Ocampo sa pelikulang “Write About Love” na isa sa mga official entry ngayong Dec. 25 sa 2019 Metro Manila Film Festival. Gumaganap silang mga scriptwriters sa pelikula na naatasang gumawa ng isang kakaibang “relationship movie.”

Kahit na medyo mas may edad si Rocco kay Miles, nagtagumpay naman silang pakiligin ang manonood dahil sa kanilang chemistry. Sa katunayan, nagtitilian sa kanila ang audience habang nagpapalitan ng mga hugot at kilig lines.

Maayos ang pagkakadirek ni Crisanto Aquino sa “WAL” at maliwanag niyang naipakita sa pelikula kung paano talaga binubuo ang isang romcom o relationship movie. Siguradong pagkatapos n’yo itong mapanood parang gusto n’yo na ring magsulat at gumawa ng kuwento na sumasalamin sa iba’t ibang klase ng love.

Kasama rin sa “WAL” sina Joem Bascon at Yeng Constantino na gumaganap namang mga artista sa binubuong pelikula nina Miles at Rocco. Bukod sa mga drama moments ng dalawa, tiyak na magugustuhan n’yo rin ang mga kanyang ginamit sa movie na kinanta mismo ni Yeng bilang singer nga ang role niya sa kuwento.

Nakapanood na kami ng “movie within a movie” pero kakaiba ang atake ni Cris Aquino sa “Write About Love” kaya naman bentang-benta ito sa mga nakapanood during the premiere night, kabilang na ang mga millennials. Comment nga ng isang nakausap namin, nangyari na raw sa kanya ang kuwento nina Yeng at Joem kaya hindi niya mapigilan ang maiyak, lalo na sa bandang ending kung saan pinatunayan nila na may “forever”.

Sa kabuuan ng pelikula, masasabi naming hindi imposibleng manalong best actor at best actress sina Rocco at Miles dahil natural na natural ang kanilang akting sa “WAL”, huh! Walang labis, walang kulang. At pwedeng-pwede ring makasungkit ng awards sina Yeng at Joem dito.

And one more thing, hindi na rin kami magtataka kung ma-nominate rin si Romnick Sarmenta sa best supporting actor category for this film dahil kahit na maikli lang ang ganap niya rito, pinaiyak naman niya ang audience bilang tatay ni Miles na ipinagpalit sila sa ibang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending