SEA Games: Pinas humakot pa ng 5 ginto sa wushu

NAGWAGI ang Pilipinas ng lima pang gintong medalya sa wushu matapos manaig sa 30th Southeast Asian Games sanda finals Martes ng hapon sa World Trade Center.

Naunang naipanalo ni Divine Wally ang ginto matapos magdomina sa women’s 48kg sanda competition.

Sinundan ito ng panibagong gold ni Jessie Aligaga sa men’s 48kg final.

Kasunod ni Aligaga na nagsipagwagi ng ginto sina Arnel Mandal sa men’s 52kg sanda finals at Francisco Solis sa men’s 56kg sanda finals.

Ang ikalimang ginto ay mula kay Clemente Tabugara Jr. na nagawang manaig matapos ang tatlong round sa men’s 65kg sanda finals.

Nauwi naman ni Gideon Padua ang pilak sa men’s 60kg sanda finals.

Ang sanda competition ay bahagi ng wushu event.

Read more...