MARAMING nagpapayo na habang kumikita nang maayos ang mga artista ay kailangan nilang mag-ipon at magtabi para sa kanilang kinabukasan.
Wala nga namang katiyakan ang buhay ng mga artista, nandiyan sila ngayon, pinapalakpakan at hinahangaan pero kapag dumating na ang dapithapon ng kanilang career ay nagmumukha silang kawawa kapag hindi nakapaghanda.
Pero may obserbasyon ang isang grupong nagkasama-sama sa isang umpukan isang gabing malakas ang ulan. Nagkape-kape muna sila, nagkuwentuhan, at napagtuunan nga nila ng pansin ang mga personalidad na ubos-ubos biyaya nu’ng namamayagpag pa sila.
Komento ng isa sa nandu’n, “Pero naaasahan din nila ang pagiging splurge nila nu’ng milyones pa ang kinikita nila! Bili sila nang bili ng mga branded bags at shoes, ng mga damit na libu-libo ang amount!
“Nu’ng hindi na sila mabenta sa pelikula at wala na silang regular shows, napapakinabangan nila ang mga ‘yun! Naibebenta nila!
“Di ba, ganyan ang ginagawa ngayon ng isang sexy actress? ‘Yung mga binili niyang branded stuff nu’ng mabentang-mabenta pa siya, e, ‘yun ang unit-unti niyang ipinabebenta ngayon sa mga kaibigan niya?
“Saka hindi naman siya namuhunan nang malaki sa mga ‘yun, alam naman natin na marami siyang ginawang milagro sa buhay nu’ng talagang sikat siya!
“Kung sinu-sinong malalaking tao sa lipunan ang nagbabayad sa mga ino-order niyang branded bags, parang baha kung dumating sa kanya ang mga regalo, pinakikinabangan niya ngayon ang mga mamahaling kagamitang ‘yun!
“Aanhin nga naman niya ‘yun ngayong matumal na ang career niya? Mailalaga ba niya ang mga bags niyang milyones ang halaga? Maisisigang ba niya ang mga bongga niyang branded shoes?” hirit ng impormante.
Ganu’n din ang ginagawa ngayon ng isang female personality na itinuring pang reyna nu’n sa kanyang network. Wala ring raket ngayon ang aktres, paasa-asa lang ito sa hatag na bundle of joy ng kanyang kadugo, kaya benta kung benta rin ang kanyang inaatupag ngayon sa mga naipon nitong branded na kagamitan.
“May pakinabang din naman pala ang pagiging gastadora. Sa panahon ng kawalan, e, nagagawa nilang datung ang mga mamahaling gamit na naipundar nila!
“Sa dami ng kagamitan nila, e, mukhang bago pa ang mga bags, hindi pa gasgas ang suwelas ng mga shoes nila, kaya mabilis din nilang naibebenta!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mauupo kaya kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?