Silver medal naibulsa sa taolu taijijian

HINATID ni Jones Llabres Inso ang ikatlong medalya ng Pilipinas sa wushu competition ng 30th Southeast Asian Games matapos magwagi ng pilak sa men’s taolu taijijian Lunes ng umaga sa Hall A ng World Trade Center. Umiskor si Inso ng 9.650 puntos para makubra ang silver medal.

Ang ginto ay nakuha ni Loh Choon How ng Malaysia matapos na umiskor ng 9.680. Nauwi naman ni Zheng Yu Hosea Wong ang tanso sa itinalang iskor na 9.600.

Read more...